Deuteronomio 12

Doon kayo magdadala ng mga handog ninyo na sinusunog at iba pang mga handog, ang inyong mga ikapu at ang mga gusto ninyong ialay, ang handog para tuparin ang isang panata at ang mga kusang-loob na handog, gayon din ang panganay ng inyong mga alagang hayop at kawan.

Deuteronomy 12:6 (UKJV) And thither all of you shall bring your burnt offerings, and your sacrifices, and your tithes, and heave offerings of your hand, and your vows, and your freewill offerings, and the firstlings of your herds and of your flocks:

4Huwag ninyong sasambahin ang Panginoon na inyong Diyos na gaya ng paraan ng kanilang pagsamba,

5kundi hanapin ninyo ang lugar na pipiliin ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng teritoryo ng inyong mga tribo. Doon niya itatatag ang kanyang pangalan at mananahan, kaya doon dapat kayo pupunta.

6Doon kayo magdadala ng mga handog ninyo na sinusunog at iba pang mga handog, ang inyong mga ikapu at ang mga gusto ninyong ialay, ang handog para tuparin ang isang panata at ang mga kusang-loob na handog, gayon din ang panganay ng inyong mga alagang hayop at kawan.

7Doon kayo kumain at ang inyong pamilya sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos, at magsaya kayo sa lahat ng inyong nagawa dahil pinagpala kayo ng Panginoon.

8Huwag ninyong gagawin kung ano lang ang maibigan at maisipan ninyong tama tulad ng ginagawa ninyo ngayon,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.