Deuteronomio 12

Kapag pinalayas na ninyo ang mga taong naninirahan doon, gibain ninyo ang lahat ng lugar na pinagsasambahan nila sa kanilang mga diyos-diyosan: sa matataas na mga bundok, sa mga kaburulan at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy.

Deuteronomy 12:2 (UKJV) All of you shall utterly destroy all the places, wherein the nations which all of you shall possess served their gods, upon the high mountains, and upon the hills, and under every green tree:

1Ito ang mga utos at tuntunin na dapat nʼyong sundin nang mabuti habang nabubuhay kayo dito sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno.

2Kapag pinalayas na ninyo ang mga taong naninirahan doon, gibain ninyo ang lahat ng lugar na pinagsasambahan nila sa kanilang mga diyos-diyosan: sa matataas na mga bundok, sa mga kaburulan at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy.

3Gibain din ninyo ang kanilang mga altar, durugin ang kanilang mga alaalang bato, sunugin ang mga posteng imahen ng kanilang diyosang si Ashera, at durugin ang imahen ng kanilang mga diyos para hindi na ito alalahanin pa sa mga lugar na iyon.

4Huwag ninyong sasambahin ang Panginoon na inyong Diyos na gaya ng paraan ng kanilang pagsamba,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.