Deuteronomio 12

Ihandog ninyo ang dugo at karne ng inyong mga handog sa altar ng Panginoon na inyong Diyos. Dapat ninyong ibuhos ang dugo sa gilid ng altar ng Panginoon na inyong Diyos, ngunit maaari ninyong kainin ang karne.

Deuteronomy 12:27 (UKJV) And you shall offer your burnt offerings, the flesh and the blood, upon the altar of the LORD your God: and the blood of your sacrifices shall be poured out upon the altar of the LORD your God, and you shall eat the flesh.

25Huwag ninyo itong kakainin upang maging mabuti ang kalagayan ninyo at ng inyong mga lahi, dahil ang pag-iwas sa pagkain ng dugo ay wasto sa paningin ng Panginoon.

26Dalhin ninyo sa lugar na pinili ng Panginoon ang mga bagay na ibibigay ninyo sa Panginoon at ang mga handog na ipinangako ninyo sa kanya.

27Ihandog ninyo ang dugo at karne ng inyong mga handog sa altar ng Panginoon na inyong Diyos. Dapat ninyong ibuhos ang dugo sa gilid ng altar ng Panginoon na inyong Diyos, ngunit maaari ninyong kainin ang karne.

28Sundin ninyo ang lahat ng tuntuning ito na ibinibigay ko sa inyo, para laging maging mabuti ang kalagayan ninyo at ng lahi ninyo, dahil mabuti at tama ang pagsunod sa mga ito sa paningin ng Panginoon na inyong Diyos.

29Kapag winasak na ng Panginoon na inyong Diyos ang mga bansa na sasalakayin ninyo, at pinalayas ninyo ang mga naninirahan dito at inagaw ang kanilang lugar,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.