Deuteronomio 12

Huwag ninyo itong kakainin upang maging mabuti ang kalagayan ninyo at ng inyong mga lahi, dahil ang pag-iwas sa pagkain ng dugo ay wasto sa paningin ng Panginoon.

Deuteronomy 12:25 (UKJV) You shall not eat it; that it may go well with you, and with your children after you, when you shall do that which is right in the sight of the LORD.

23Ngunit siguraduhin ninyong hindi ninyo kakainin ang dugo, dahil ang buhay ay nasa dugo, at huwag ninyong kakainin ang buhay kasama ng karne.

24Sa halip, ibuhos ninyo ang dugo sa lupa gaya ng tubig.

25Huwag ninyo itong kakainin upang maging mabuti ang kalagayan ninyo at ng inyong mga lahi, dahil ang pag-iwas sa pagkain ng dugo ay wasto sa paningin ng Panginoon.

26Dalhin ninyo sa lugar na pinili ng Panginoon ang mga bagay na ibibigay ninyo sa Panginoon at ang mga handog na ipinangako ninyo sa kanya.

27Ihandog ninyo ang dugo at karne ng inyong mga handog sa altar ng Panginoon na inyong Diyos. Dapat ninyong ibuhos ang dugo sa gilid ng altar ng Panginoon na inyong Diyos, ngunit maaari ninyong kainin ang karne.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.