Deuteronomio 12

Huwag ninyo itong gagawin para sambahin ang Panginoon na inyong Diyos, dahil sa kanilang pagsamba, ginagawa nila ang lahat ng klase ng kasuklam-suklam na bagay na kinasusuklaman ng Panginoon. Sinusunog pa nila ang mga anak nila bilang handog sa kanilang mga diyos.

Deuteronomy 12:31 (UKJV) You shall not do so unto the LORD your God: for every abomination to the LORD, which he hates, have they done unto their gods; for even their sons and their daughters they have burnt in the fire to their gods.

29Kapag winasak na ng Panginoon na inyong Diyos ang mga bansa na sasalakayin ninyo, at pinalayas ninyo ang mga naninirahan dito at inagaw ang kanilang lugar,

30huwag kayong magpapabitag sa pamamagitan ng pagsunod sa pagsamba nila sa kanilang mga diyos. Huwag ninyong sasabihin, “Paano sila sumasamba sa kanilang mga diyos? Susundin din namin ang ginagawa nila.”

31Huwag ninyo itong gagawin para sambahin ang Panginoon na inyong Diyos, dahil sa kanilang pagsamba, ginagawa nila ang lahat ng klase ng kasuklam-suklam na bagay na kinasusuklaman ng Panginoon. Sinusunog pa nila ang mga anak nila bilang handog sa kanilang mga diyos.

32Sundin ninyo ang lahat ng iniutos ko sa inyo. Huwag ninyo itong dadagdagan o babawasan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.