Deuteronomio 12

huwag kayong magpapabitag sa pamamagitan ng pagsunod sa pagsamba nila sa kanilang mga diyos. Huwag ninyong sasabihin, “Paano sila sumasamba sa kanilang mga diyos? Susundin din namin ang ginagawa nila.”

Deuteronomy 12:30 (UKJV) Take heed to yourself that you be not snared by following them, after that they be destroyed from before you; and that you enquire not after their gods, saying, How did these nations serve their gods? even so will I do likewise.

28Sundin ninyo ang lahat ng tuntuning ito na ibinibigay ko sa inyo, para laging maging mabuti ang kalagayan ninyo at ng lahi ninyo, dahil mabuti at tama ang pagsunod sa mga ito sa paningin ng Panginoon na inyong Diyos.

29Kapag winasak na ng Panginoon na inyong Diyos ang mga bansa na sasalakayin ninyo, at pinalayas ninyo ang mga naninirahan dito at inagaw ang kanilang lugar,

30huwag kayong magpapabitag sa pamamagitan ng pagsunod sa pagsamba nila sa kanilang mga diyos. Huwag ninyong sasabihin, “Paano sila sumasamba sa kanilang mga diyos? Susundin din namin ang ginagawa nila.”

31Huwag ninyo itong gagawin para sambahin ang Panginoon na inyong Diyos, dahil sa kanilang pagsamba, ginagawa nila ang lahat ng klase ng kasuklam-suklam na bagay na kinasusuklaman ng Panginoon. Sinusunog pa nila ang mga anak nila bilang handog sa kanilang mga diyos.

32Sundin ninyo ang lahat ng iniutos ko sa inyo. Huwag ninyo itong dadagdagan o babawasan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.