Deuteronomio 13

dapat alamin ninyong mabuti kung totoo ito. At kung totoong nangyari nga ang kasuklam-suklam na gawang ito,

Deuteronomy 13:14 (UKJV) Then shall you enquire, and make search, and ask diligently; and, behold, if it be truth, and the thing certain, that such abomination is wrought among you;

12Kung makabalita kayo na ang isa sa mga bayang ibinibigay ng Panginoon na inyong Diyos na inyong titirhan,

13ay may masasamang taong nag-uudyok sa mga naninirahan sa bayang iyon na sumamba sila sa ibang mga diyos na hindi pa nila nakikilala,

14dapat alamin ninyong mabuti kung totoo ito. At kung totoong nangyari nga ang kasuklam-suklam na gawang ito,

15dapat ninyong patayin ang lahat ng naninirahan sa bayang iyon pati na ang kanilang mga hayop. Lipulin ninyo silang lahat bilang handog sa Panginoon.

16Tipunin ninyo ang lahat ng masasamsam ninyo sa bayang iyon at tumpukin sa gitna ng plasa, at sunugin ninyo ito bilang isang handog na sinusunog sa Panginoon na inyong Diyos. Mananatiling wasak ang bayang iyon magpakailanman; hindi na iyon dapat itayong muli.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.