19Huwag din ninyong kakainin ang mga kulisap na may pakpak na gumagapang. Marumi ang mga ito.
20Ngunit maaari ninyong kainin ang mga kulisap na itinuturing na malinis.
21Huwag ninyong kakainin ang anumang hayop na patay na. Maaari ninyo itong ipagbili sa mga dayuhan o ibigay sa mga dayuhang naninirahang sa bayan nʼyo, at kakainin nila ito. Ngunit huwag kayong kakain nito dahil ibinukod kayo bilang mamamayan ng Panginoon na inyong Diyos. Huwag ninyong lulutuin ang batang kambing sa gatas ng kanyang ina.
22Dapat ninyong ibukod ang ikasampung bahagi ng lahat ng ani ng inyong bukid bawat taon.