Deuteronomio 14

Huwag ninyong kakainin ang anumang hayop na patay na. Maaari ninyo itong ipagbili sa mga dayuhan o ibigay sa mga dayuhang naninirahang sa bayan nʼyo, at kakainin nila ito. Ngunit huwag kayong kakain nito dahil ibinukod kayo bilang mamamayan ng Panginoon na inyong Diyos. Huwag ninyong lulutuin ang batang kambing sa gatas ng kanyang ina.

Deuteronomy 14:21 (UKJV) All of you shall not eat of anything that dies of itself: you shall give it unto the stranger that is in your gates, that he may eat it; or you may sell it unto an foreigner: for you are an holy people unto the LORD your God. You shall not seethe a kid in his mother's milk.

19Huwag din ninyong kakainin ang mga kulisap na may pakpak na gumagapang. Marumi ang mga ito.

20Ngunit maaari ninyong kainin ang mga kulisap na itinuturing na malinis.

21Huwag ninyong kakainin ang anumang hayop na patay na. Maaari ninyo itong ipagbili sa mga dayuhan o ibigay sa mga dayuhang naninirahang sa bayan nʼyo, at kakainin nila ito. Ngunit huwag kayong kakain nito dahil ibinukod kayo bilang mamamayan ng Panginoon na inyong Diyos. Huwag ninyong lulutuin ang batang kambing sa gatas ng kanyang ina.

22Dapat ninyong ibukod ang ikasampung bahagi ng lahat ng ani ng inyong bukid bawat taon.

23Dalhin ninyo ang ikasampung bahagi ng trigo, bagong alak at langis, at ang panganay ng inyong mga hayop sa lugar na pipiliin ng Panginoon na inyong Diyos kung saan pararangalan siya. Doon ninyo ito dalhin sa kanyang presensya. Gawin ninyo ito para matuto kayo na laging gumalang sa Panginoon na inyong Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.