13At kapag palalayain mo na siya, huwag mo siyang paaalisin nang walang dala.
14Bigyan mo siya ng saganang hayop, trigo at alak ayon sa pagpapala ng Panginoon sa iyo.
15Alalahanin ninyo na mga alipin din kayo noon sa Ehipto at pinalaya rin kayo ng Panginoon na inyong Diyos. Iyan ang dahilan kaya ibinibigay ko ang mga utos na ito sa inyo ngayon.
16Ngunit kung sabihin ng alipin mo sa iyo, “Hindi po ako aalis sa inyo dahil mahal ko kayo at ang pamilya ninyo, at mabuti ang kalagayan ko dito sa inyo,”
17dalhin mo siya sa pintuan ng bahay mo, butasan ang tainga niya at magiging alipin mo siya sa buong buhay niya. Ganito rin ang gawin mo sa iyong aliping babae.