Deuteronomio 15

Ngunit kung sabihin ng alipin mo sa iyo, “Hindi po ako aalis sa inyo dahil mahal ko kayo at ang pamilya ninyo, at mabuti ang kalagayan ko dito sa inyo,”

Deuteronomy 15:16 (UKJV) And it shall be, if he say unto you, I will not go away from you; because he loves you and yours house, because he is well with you;

14Bigyan mo siya ng saganang hayop, trigo at alak ayon sa pagpapala ng Panginoon sa iyo.

15Alalahanin ninyo na mga alipin din kayo noon sa Ehipto at pinalaya rin kayo ng Panginoon na inyong Diyos. Iyan ang dahilan kaya ibinibigay ko ang mga utos na ito sa inyo ngayon.

16Ngunit kung sabihin ng alipin mo sa iyo, “Hindi po ako aalis sa inyo dahil mahal ko kayo at ang pamilya ninyo, at mabuti ang kalagayan ko dito sa inyo,”

17dalhin mo siya sa pintuan ng bahay mo, butasan ang tainga niya at magiging alipin mo siya sa buong buhay niya. Ganito rin ang gawin mo sa iyong aliping babae.

18Huwag sasamâ ang loob mo kung palalayain mo ang alipin mo dahil ang halaga ng paglilingkod niya sa iyo sa loob ng anim na taon ay doble pa sa suweldo na tinatanggap ng isang trabahador. Kung gagawin mo ito, pagpapalain ng Panginoon na inyong Diyos ang lahat ng ginagawa mo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.