Deuteronomio 15

Huwag sasamâ ang loob mo kung palalayain mo ang alipin mo dahil ang halaga ng paglilingkod niya sa iyo sa loob ng anim na taon ay doble pa sa suweldo na tinatanggap ng isang trabahador. Kung gagawin mo ito, pagpapalain ng Panginoon na inyong Diyos ang lahat ng ginagawa mo.

Deuteronomy 15:18 (UKJV) It shall not seem hard unto you, when you send him away free from you; for he has been worth a double hired servant to you, in serving you six years: and the LORD your God shall bless you in all that you do.

16Ngunit kung sabihin ng alipin mo sa iyo, “Hindi po ako aalis sa inyo dahil mahal ko kayo at ang pamilya ninyo, at mabuti ang kalagayan ko dito sa inyo,”

17dalhin mo siya sa pintuan ng bahay mo, butasan ang tainga niya at magiging alipin mo siya sa buong buhay niya. Ganito rin ang gawin mo sa iyong aliping babae.

18Huwag sasamâ ang loob mo kung palalayain mo ang alipin mo dahil ang halaga ng paglilingkod niya sa iyo sa loob ng anim na taon ay doble pa sa suweldo na tinatanggap ng isang trabahador. Kung gagawin mo ito, pagpapalain ng Panginoon na inyong Diyos ang lahat ng ginagawa mo.

19Ibukod ninyo para sa Panginoon na inyong Diyos ang lahat ng panganay na lalaki ng inyong mga hayop. Huwag ninyong pag-aararuhin ang mga panganay ng inyong mga baka o pagugupitan ang mga panganay ng inyong mga tupa.

20Sa halip, kainin ninyo ito at ng inyong pamilya sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos bawat taon, sa lugar na pipiliin niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.