18Huwag sasamâ ang loob mo kung palalayain mo ang alipin mo dahil ang halaga ng paglilingkod niya sa iyo sa loob ng anim na taon ay doble pa sa suweldo na tinatanggap ng isang trabahador. Kung gagawin mo ito, pagpapalain ng Panginoon na inyong Diyos ang lahat ng ginagawa mo.
19Ibukod ninyo para sa Panginoon na inyong Diyos ang lahat ng panganay na lalaki ng inyong mga hayop. Huwag ninyong pag-aararuhin ang mga panganay ng inyong mga baka o pagugupitan ang mga panganay ng inyong mga tupa.
20Sa halip, kainin ninyo ito at ng inyong pamilya sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos bawat taon, sa lugar na pipiliin niya.
21Subalit kung may kapintasan ang hayop na ito, halimbawaʼy pilay o bulag o anumang malalang kapansanan, hindi ninyo ito dapat ihandog sa Panginoon na inyong Diyos.
22Sa halip, kainin ninyo ito sa inyong mga bayan. Ang lahat ay makakakain nito, itinuturing man siyang malinis o marumi, katulad ng pagkain ninyo ng usa at ng gasela.