Deuteronomio 15

Ibukod ninyo para sa Panginoon na inyong Diyos ang lahat ng panganay na lalaki ng inyong mga hayop. Huwag ninyong pag-aararuhin ang mga panganay ng inyong mga baka o pagugupitan ang mga panganay ng inyong mga tupa.

Deuteronomy 15:19 (UKJV) All the first born males that come of your herd and of your flock you shall sanctify unto the LORD your God: you shall do no work with the first born of your bullock, nor shear the first born of your sheep.

17dalhin mo siya sa pintuan ng bahay mo, butasan ang tainga niya at magiging alipin mo siya sa buong buhay niya. Ganito rin ang gawin mo sa iyong aliping babae.

18Huwag sasamâ ang loob mo kung palalayain mo ang alipin mo dahil ang halaga ng paglilingkod niya sa iyo sa loob ng anim na taon ay doble pa sa suweldo na tinatanggap ng isang trabahador. Kung gagawin mo ito, pagpapalain ng Panginoon na inyong Diyos ang lahat ng ginagawa mo.

19Ibukod ninyo para sa Panginoon na inyong Diyos ang lahat ng panganay na lalaki ng inyong mga hayop. Huwag ninyong pag-aararuhin ang mga panganay ng inyong mga baka o pagugupitan ang mga panganay ng inyong mga tupa.

20Sa halip, kainin ninyo ito at ng inyong pamilya sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos bawat taon, sa lugar na pipiliin niya.

21Subalit kung may kapintasan ang hayop na ito, halimbawaʼy pilay o bulag o anumang malalang kapansanan, hindi ninyo ito dapat ihandog sa Panginoon na inyong Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.