Deuteronomio 15

Subalit kung may kapintasan ang hayop na ito, halimbawaʼy pilay o bulag o anumang malalang kapansanan, hindi ninyo ito dapat ihandog sa Panginoon na inyong Diyos.

Deuteronomy 15:21 (UKJV) And if there be any blemish therein, as if it be lame, or blind, or have any ill blemish, you shall not sacrifice it unto the LORD your God.

19Ibukod ninyo para sa Panginoon na inyong Diyos ang lahat ng panganay na lalaki ng inyong mga hayop. Huwag ninyong pag-aararuhin ang mga panganay ng inyong mga baka o pagugupitan ang mga panganay ng inyong mga tupa.

20Sa halip, kainin ninyo ito at ng inyong pamilya sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos bawat taon, sa lugar na pipiliin niya.

21Subalit kung may kapintasan ang hayop na ito, halimbawaʼy pilay o bulag o anumang malalang kapansanan, hindi ninyo ito dapat ihandog sa Panginoon na inyong Diyos.

22Sa halip, kainin ninyo ito sa inyong mga bayan. Ang lahat ay makakakain nito, itinuturing man siyang malinis o marumi, katulad ng pagkain ninyo ng usa at ng gasela.

23Ngunit huwag ninyong kainin ang dugo, kundi ibuhos ninyo ito sa lupa gaya ng tubig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.