Deuteronomio 15

Pagpapalain kayo ng Panginoon na inyong Diyos ayon sa ipinangako niya sa inyo. Maraming bansa ang mangungutang sa inyo, ngunit kayo ay hindi mangungutang. Pamamahalaan ninyo ang maraming bansa ngunit hindi kayo mapamamahalaan.

Deuteronomy 15:6 (UKJV) For the LORD your God blesses you, as he promised you: and you shall lend unto many nations, but you shall not borrow; and you shall reign over many nations, but they shall not reign over you.

4Kailangang walang maging mahirap sa inyo sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos na inyong aangkinin, dahil tiyak na pagpapalain niya kayo,

5basta sundin ninyong mabuti ang Panginoon na inyong Diyos at tuparin ang lahat ng utos na ibinibigay ko sa inyo ngayon.

6Pagpapalain kayo ng Panginoon na inyong Diyos ayon sa ipinangako niya sa inyo. Maraming bansa ang mangungutang sa inyo, ngunit kayo ay hindi mangungutang. Pamamahalaan ninyo ang maraming bansa ngunit hindi kayo mapamamahalaan.

7Kung may mahirap sa bayan ninyo, sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos, huwag kayong maging maramot sa kanya.

8Kundi maging mapagbigay kayo at pautangin ninyo siya ng kanyang mga pangangailangan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.