Deuteronomio 16

Ipagdiwang ninyo ang Pista ng Paglampas ng Anghel sa buwan ng Abib bilang pagpaparangal sa Panginoon na inyong Diyos, dahil sa buwan na itoʼy inilabas niya kayo nang gabi sa Ehipto.

Deuteronomy 16:1 (UKJV) Observe the month of Abib, and keep the passover unto the LORD your God: for in the month of Abib the LORD your God brought you forth out of Egypt by night.

1Ipagdiwang ninyo ang Pista ng Paglampas ng Anghel sa buwan ng Abib bilang pagpaparangal sa Panginoon na inyong Diyos, dahil sa buwan na itoʼy inilabas niya kayo nang gabi sa Ehipto.

2Maghandog kayo ng tupa o baka bilang pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel. Ihandog ninyo ito para sa Panginoon na inyong Diyos doon sa lugar na pinili niya, kung saan pararangalan siya.

3Kainin ninyo ito kasama ng tinapay na walang pampaalsa. Sa loob ng pitong araw, kumain kayo ng tinapay na walang pampaalsa gaya ng ginawa ninyo noong nagmamadali kayong umalis sa Ehipto. Kainin ninyo ang tinapay na ito, ang simbolo ng inyong pagtitiis, para maalala ninyo sa buong buhay ninyo ang panahon na lumabas kayo sa Ehipto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.