10Pagkatapos, ipagdiwang ninyo ang Pista ng Pag-aani upang parangalan ang Panginoon na inyong Diyos sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga handog na kusang-loob ayon sa mga pagpapala na natanggap ninyo mula sa Panginoon na inyong Diyos.
11At magsaya kayo sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos sa lugar na pipiliin niya, kung saan pararangalan siya. Magdiwang kayo kasama ang inyong mga anak, alipin at Levita na naninirahan sa inyong mga bayan, mga dayuhan, mga ulila at mga biyudang naninirahan sa inyong mga bayan.
12Alalahanin ninyo na naging mga alipin muna kayo sa Ehipto, kaya sundin ninyong mabuti ang mga tuntuning ito.
13Ipagdiwang ninyo ang Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol sa loob ng pitong araw sa katapusan ng tag-ani, pagkatapos na magiik ninyo ang mga trigo at mapiga ang mga ubas.
14Magsaya kayo sa pagdiriwang ninyo ng pistang ito kasama ng inyong mga anak, mga alipin, mga Levita, mga dayuhan, mga ulila at mga biyudang naninirahan sa bayan ninyo.