Deuteronomio 16

Pagkatapos, ipagdiwang ninyo ang Pista ng Pag-aani upang parangalan ang Panginoon na inyong Diyos sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga handog na kusang-loob ayon sa mga pagpapala na natanggap ninyo mula sa Panginoon na inyong Diyos.

Deuteronomy 16:10 (UKJV) And you shall keep the feast of weeks unto the LORD your God with a tribute of a freewill offering of yours hand, which you shall give unto the LORD your God, according as the LORD your God has blessed you:

8Sa susunod na anim na araw, kumain kayo ng tinapay na walang pampaalsa, at sa ikapitong araw, huwag kayong magtrabaho kundi magtipon kayo para sumamba sa Panginoon na inyong Diyos.

9Bumilang kayo ng pitong linggo mula sa umpisa ng tag-ani.

10Pagkatapos, ipagdiwang ninyo ang Pista ng Pag-aani upang parangalan ang Panginoon na inyong Diyos sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga handog na kusang-loob ayon sa mga pagpapala na natanggap ninyo mula sa Panginoon na inyong Diyos.

11At magsaya kayo sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos sa lugar na pipiliin niya, kung saan pararangalan siya. Magdiwang kayo kasama ang inyong mga anak, alipin at Levita na naninirahan sa inyong mga bayan, mga dayuhan, mga ulila at mga biyudang naninirahan sa inyong mga bayan.

12Alalahanin ninyo na naging mga alipin muna kayo sa Ehipto, kaya sundin ninyong mabuti ang mga tuntuning ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.