6kundi sa lugar lamang na pipiliin ng Panginoon kung saan pararangalan siya. Kailangang ihandog ninyo ito sa paglubog ng araw ng Pista ng Paglampas ng Anghel, ang oras na umalis kayo sa Ehipto.
7Lutuin ninyo ito at kainin sa lugar na pinili ng Panginoon na inyong Diyos. Pagkaumaga, bumalik kayo sa inyong mga tolda.
8Sa susunod na anim na araw, kumain kayo ng tinapay na walang pampaalsa, at sa ikapitong araw, huwag kayong magtrabaho kundi magtipon kayo para sumamba sa Panginoon na inyong Diyos.
9Bumilang kayo ng pitong linggo mula sa umpisa ng tag-ani.
10Pagkatapos, ipagdiwang ninyo ang Pista ng Pag-aani upang parangalan ang Panginoon na inyong Diyos sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga handog na kusang-loob ayon sa mga pagpapala na natanggap ninyo mula sa Panginoon na inyong Diyos.