Deuteronomio 16

Lutuin ninyo ito at kainin sa lugar na pinili ng Panginoon na inyong Diyos. Pagkaumaga, bumalik kayo sa inyong mga tolda.

Deuteronomy 16:7 (UKJV) And you shall roast and eat it in the place which the LORD your God shall choose: and you shall turn in the morning, and go unto your tents.

5Huwag ninyong ihahandog sa kahit saan mang bayan na ibinigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos ang hayop na ihahandog ninyo bilang pagdiriwang sa Pista ng Paglampas,

6kundi sa lugar lamang na pipiliin ng Panginoon kung saan pararangalan siya. Kailangang ihandog ninyo ito sa paglubog ng araw ng Pista ng Paglampas ng Anghel, ang oras na umalis kayo sa Ehipto.

7Lutuin ninyo ito at kainin sa lugar na pinili ng Panginoon na inyong Diyos. Pagkaumaga, bumalik kayo sa inyong mga tolda.

8Sa susunod na anim na araw, kumain kayo ng tinapay na walang pampaalsa, at sa ikapitong araw, huwag kayong magtrabaho kundi magtipon kayo para sumamba sa Panginoon na inyong Diyos.

9Bumilang kayo ng pitong linggo mula sa umpisa ng tag-ani.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.