Deuteronomio 16

kundi sa lugar lamang na pipiliin ng Panginoon kung saan pararangalan siya. Kailangang ihandog ninyo ito sa paglubog ng araw ng Pista ng Paglampas ng Anghel, ang oras na umalis kayo sa Ehipto.

Deuteronomy 16:6 (UKJV) But at the place which the LORD your God shall choose to place his name in, there you shall sacrifice the passover at even, at the going down of the sun, at the season that you came forth out of Egypt.

4Wala dapat makitang pampaalsa sa mga bahay ninyo sa buong lupain sa loob ng pitong araw. At ang karneng inihandog nang gabi ng unang araw ay walang matitira sa kinaumagahan.

5Huwag ninyong ihahandog sa kahit saan mang bayan na ibinigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos ang hayop na ihahandog ninyo bilang pagdiriwang sa Pista ng Paglampas,

6kundi sa lugar lamang na pipiliin ng Panginoon kung saan pararangalan siya. Kailangang ihandog ninyo ito sa paglubog ng araw ng Pista ng Paglampas ng Anghel, ang oras na umalis kayo sa Ehipto.

7Lutuin ninyo ito at kainin sa lugar na pinili ng Panginoon na inyong Diyos. Pagkaumaga, bumalik kayo sa inyong mga tolda.

8Sa susunod na anim na araw, kumain kayo ng tinapay na walang pampaalsa, at sa ikapitong araw, huwag kayong magtrabaho kundi magtipon kayo para sumamba sa Panginoon na inyong Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.