Deuteronomio 16

Huwag ninyong ihahandog sa kahit saan mang bayan na ibinigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos ang hayop na ihahandog ninyo bilang pagdiriwang sa Pista ng Paglampas,

Deuteronomy 16:5 (UKJV) You may not sacrifice the passover within any of your gates, which the LORD your God gives you:

3Kainin ninyo ito kasama ng tinapay na walang pampaalsa. Sa loob ng pitong araw, kumain kayo ng tinapay na walang pampaalsa gaya ng ginawa ninyo noong nagmamadali kayong umalis sa Ehipto. Kainin ninyo ang tinapay na ito, ang simbolo ng inyong pagtitiis, para maalala ninyo sa buong buhay ninyo ang panahon na lumabas kayo sa Ehipto.

4Wala dapat makitang pampaalsa sa mga bahay ninyo sa buong lupain sa loob ng pitong araw. At ang karneng inihandog nang gabi ng unang araw ay walang matitira sa kinaumagahan.

5Huwag ninyong ihahandog sa kahit saan mang bayan na ibinigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos ang hayop na ihahandog ninyo bilang pagdiriwang sa Pista ng Paglampas,

6kundi sa lugar lamang na pipiliin ng Panginoon kung saan pararangalan siya. Kailangang ihandog ninyo ito sa paglubog ng araw ng Pista ng Paglampas ng Anghel, ang oras na umalis kayo sa Ehipto.

7Lutuin ninyo ito at kainin sa lugar na pinili ng Panginoon na inyong Diyos. Pagkaumaga, bumalik kayo sa inyong mga tolda.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.