Deuteronomio 17

Ang taong hindi tatanggap sa desisyon ng hukom o ng pari na naglilingkod sa Panginoon na inyong Diyos ay dapat patayin. Sa pamamagitan nito, mawawala ang masasamang gawa sa bansang Israel.

Deuteronomy 17:12 (UKJV) And the man that will do presumptuously, and will not hearken unto the priest that stands to minister there before the LORD your God, or unto the judge, even that man shall die: and you shall put away the evil from Israel.

10Kailangang tanggapin ninyo ang kanilang desisyon doon sa lugar na pinili ng Panginoon. Sundin ninyong mabuti ang lahat ng sinabi nila sa inyo.

11Kung anuman ang kanilang napagdesisyunan ayon sa kautusan, dapat ninyo itong sundin. Huwag ninyong susuwayin ang sinabi nila sa inyo.

12Ang taong hindi tatanggap sa desisyon ng hukom o ng pari na naglilingkod sa Panginoon na inyong Diyos ay dapat patayin. Sa pamamagitan nito, mawawala ang masasamang gawa sa bansang Israel.

13Kapag narinig ito ng lahat ng tao, matatakot sila at hindi na muling gagawa ng bagay na iyon.

14Kapag nakapasok na kayo sa lupaing ibinibigay ng Panginoon na inyong Diyos at maangkin na ninyo iyon at doon na kayo manirahan, sasabihin ninyo, “Pumili tayo ng hari na mamumuno sa atin katulad ng mga bansa sa palibot natin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.