Deuteronomio 17

Kapag narinig ito ng lahat ng tao, matatakot sila at hindi na muling gagawa ng bagay na iyon.

Deuteronomy 17:13 (UKJV) And all the people shall hear, and fear, and do no more presumptuously.

11Kung anuman ang kanilang napagdesisyunan ayon sa kautusan, dapat ninyo itong sundin. Huwag ninyong susuwayin ang sinabi nila sa inyo.

12Ang taong hindi tatanggap sa desisyon ng hukom o ng pari na naglilingkod sa Panginoon na inyong Diyos ay dapat patayin. Sa pamamagitan nito, mawawala ang masasamang gawa sa bansang Israel.

13Kapag narinig ito ng lahat ng tao, matatakot sila at hindi na muling gagawa ng bagay na iyon.

14Kapag nakapasok na kayo sa lupaing ibinibigay ng Panginoon na inyong Diyos at maangkin na ninyo iyon at doon na kayo manirahan, sasabihin ninyo, “Pumili tayo ng hari na mamumuno sa atin katulad ng mga bansa sa palibot natin.”

15Siguraduhin ninyo na ang pipiliin ninyong hari ay ang pinili rin ng Panginoon na inyong Diyos, at kailangang katulad ninyo siyang Israelita. Huwag kayong pipili ng dayuhan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.