1Huwag kayong maghahandog sa Panginoon na inyong Diyos ng baka o tupa na may kapintasan o kapansanan, dahil kasuklam-suklam ito sa Panginoon.
2Kung ang isang lalaki o babae na naninirahan sa isa sa mga bayan na ibinibigay ng Panginoon ay nahuling gumagawa ng masama sa paningin ng Panginoon na inyong Diyos, sinira niya ang kasunduan sa Panginoon
3at sumuway sa pamamagitan ng pagsamba sa ibang mga diyos o sa araw o sa buwan o sa mga bituin;
4kapag narinig ninyo ito, kailangang imbestigahan ninyo ito nang mabuti. Kung totoo ngang ginawa sa Israel ang kasuklam-suklam na bagay na ito,
5dalhin ninyo ang taong gumawa ng masama sa pintuan ng lungsod at batuhin hanggang sa mamatay.