Deuteronomio 17

kapag narinig ninyo ito, kailangang imbestigahan ninyo ito nang mabuti. Kung totoo ngang ginawa sa Israel ang kasuklam-suklam na bagay na ito,

Deuteronomy 17:4 (UKJV) And it be told you, and you have heard of it, and enquired diligently, and, behold, it be true, and the thing certain, that such abomination is wrought in Israel:

2Kung ang isang lalaki o babae na naninirahan sa isa sa mga bayan na ibinibigay ng Panginoon ay nahuling gumagawa ng masama sa paningin ng Panginoon na inyong Diyos, sinira niya ang kasunduan sa Panginoon

3at sumuway sa pamamagitan ng pagsamba sa ibang mga diyos o sa araw o sa buwan o sa mga bituin;

4kapag narinig ninyo ito, kailangang imbestigahan ninyo ito nang mabuti. Kung totoo ngang ginawa sa Israel ang kasuklam-suklam na bagay na ito,

5dalhin ninyo ang taong gumawa ng masama sa pintuan ng lungsod at batuhin hanggang sa mamatay.

6Maaari lamang patayin ang tao kapag napatunayang nagkasala siya sa pamamagitan ng patotoo ng dalawa o tatlong saksi, subalit kung iisa lang ang saksi, hindi siya maaaring patayin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.