Deuteronomio 18

Parurusahan ko ang sinumang hindi makikinig sa aking mga salita na sinasabi ng propeta na ito sa pamamagitan ng aking pangalan.

Deuteronomy 18:19 (UKJV) And it shall come to pass, that whosoever will not hearken unto my words which he shall speak in my name, I will require it of him.

17Kaya sinabi ng Panginoon sa akin, “Mabuti ang kanilang hinihingi.

18Magpapadala ako sa kanila ng isang propeta na mula sa kanila at kadugo nila tulad mo. Ipasasabi ko sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanila.

19Parurusahan ko ang sinumang hindi makikinig sa aking mga salita na sinasabi ng propeta na ito sa pamamagitan ng aking pangalan.

20At kailangang patayin ang sinumang propetang magsasalita sa aking pangalan nang hindi ko inuutusan o magsasalita sa pangalan ng ibang diyos.”

21Maaaring isipin ninyo, “Paano ba namin malalaman kung iyon nga ay mensahe ng Panginoon?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.