3Ang balikat, pisngi at tiyan ang mga bahaging mula sa baka o tupa na mula sa handog ng mga tao ay nakalaan para sa mga pari.
4Ibigay din ninyo sa mga pari ang naunang bahagi ng inyong trigo, bagong alak, langis at balahibo ng tupa.
5Sapagkat sa lahat ng lahi ng Israel, sila at ang kanilang mga angkan ang pinili ng Panginoon na inyong Diyos para maglingkod sa kanya magpakailanman.
6Ang sinumang Levita na naninirahan sa kahit saang lugar ng Israel ay makakapunta sa lugar na pinili ng Panginoon,
7at makapaglilingkod siya roon sa Panginoon na kanyang Diyos, katulad ng kapwa niya Levita na naglilingkod doon sa harapan ng Panginoon.