5Huwag nʼyo silang pakikialaman, dahil ibinigay ko na sa kanila ang mga kaburulan ng Seir bilang kanilang ari-arian, at ni kapiraso man ng lupain nila ay hindi ko ibibigay sa inyo.
6Babayaran ninyo ng pilak ang pagkain at inuming manggagaling sa kanila.’ ”
7Sapagkat pinagpala ng Panginoon na inyong Diyos ang lahat ng mga ginawa ninyo. Binantayan niya kayo sa inyong paglalakbay sa malawak na ilang na ito. Sa loob ng apatnapung taon, sinamahan niya kayo at hindi kayo kinulang ng mga bagay na kailangan ninyo.
8Kaya dumaan tayo sa ating mga kadugo na lahi ni Esau, na naninirahan sa Seir. Hindi tayo dumaan sa daan ng Araba, na nanggagaling sa mga bayan ng Elat at Ezion-geber. Nang naglalakbay na tayo sa daan sa ilang ng Moab,
9sinabi sa akin ng Panginoon, “Huwag ninyong guguluhin o lulusubin ang mga Moabita na lahi ni Lot, dahil ibinigay ko sa kanila ang Ar bilang lupain nila, at ni kapiraso ng lupain nila ay hindi ko ibibigay sa inyo bilang ari-arian.”