Deuteronomio 2

sinabi sa akin ng Panginoon, “Huwag ninyong guguluhin o lulusubin ang mga Moabita na lahi ni Lot, dahil ibinigay ko sa kanila ang Ar bilang lupain nila, at ni kapiraso ng lupain nila ay hindi ko ibibigay sa inyo bilang ari-arian.”

Deuteronomy 2:9 (UKJV) And the LORD said unto me, Distress not the Moabites, neither contend with them in battle: for I will not give you of their land for a possession; because I have given Ar unto the children of Lot for a possession.

7Sapagkat pinagpala ng Panginoon na inyong Diyos ang lahat ng mga ginawa ninyo. Binantayan niya kayo sa inyong paglalakbay sa malawak na ilang na ito. Sa loob ng apatnapung taon, sinamahan niya kayo at hindi kayo kinulang ng mga bagay na kailangan ninyo.

8Kaya dumaan tayo sa ating mga kadugo na lahi ni Esau, na naninirahan sa Seir. Hindi tayo dumaan sa daan ng Araba, na nanggagaling sa mga bayan ng Elat at Ezion-geber. Nang naglalakbay na tayo sa daan sa ilang ng Moab,

9sinabi sa akin ng Panginoon, “Huwag ninyong guguluhin o lulusubin ang mga Moabita na lahi ni Lot, dahil ibinigay ko sa kanila ang Ar bilang lupain nila, at ni kapiraso ng lupain nila ay hindi ko ibibigay sa inyo bilang ari-arian.”

10(Noong una, naninirahan sa Ar ang marami at malalakas na tao na tinatawag na Emita. Silaʼy matatangkad katulad ng mga lahi ni Anak.

11Tinatawag din silang Refaim katulad ng mga lahi ni Anak, ngunit tinatawag silang Emita ng mga Moabita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.