9sinabi sa akin ng Panginoon, “Huwag ninyong guguluhin o lulusubin ang mga Moabita na lahi ni Lot, dahil ibinigay ko sa kanila ang Ar bilang lupain nila, at ni kapiraso ng lupain nila ay hindi ko ibibigay sa inyo bilang ari-arian.”
10(Noong una, naninirahan sa Ar ang marami at malalakas na tao na tinatawag na Emita. Silaʼy matatangkad katulad ng mga lahi ni Anak.
11Tinatawag din silang Refaim katulad ng mga lahi ni Anak, ngunit tinatawag silang Emita ng mga Moabita.
12Sa Seir dati nakatira ang mga Horeo, ngunit pinalayas sila ng mga lahi ni Esau, at sila na ang nanirahan doon, katulad ng ginawa ng mga Israelita sa mga Cananeo sa lupaing ibinigay ng Panginoon bilang ari-arian nila.)
13Pagkatapos, iniutos ng Panginoon, “Humayo kayo at tumawid sa lambak ng Zered.” Kaya tinawid natin ang Lambak ng Zered.