Deuteronomio 21

at papalitan ang suot niyang damit nang siyaʼy bihagin. Dapat magpaiwan ang babae sa bahay ng lalaki sa loob ng isang buwan habang siyaʼy nagluluksa para sa kanyang mga magulang. Pagkatapos nito, maaari na siyang maging asawa ng lalaki.

Deuteronomy 21:13 (UKJV) And she shall put the raiment of her captivity from off her, and shall remain in yours house, and mourn for her father and her mother a full month: and after that you shall go in unto her, and be her husband, and she shall be your wife.

11at ang isa sa inyo ay nakakita ng magandang babae sa mga bihag at nagustuhan niya ito at gusto niya itong mapangasawa,

12dadalhin niya ang babae sa kanyang bahay at kakalbuhin ang ulo, puputulin ang mga kuko,

13at papalitan ang suot niyang damit nang siyaʼy bihagin. Dapat magpaiwan ang babae sa bahay ng lalaki sa loob ng isang buwan habang siyaʼy nagluluksa para sa kanyang mga magulang. Pagkatapos nito, maaari na siyang maging asawa ng lalaki.

14Ngunit kung sa bandang huli ay mawalan ng gana ang lalaki sa babae, dapat niya itong payagang pumunta saan man gustuhin ng babae. Hindi na siya dapat pang ipagbili o gawing alipin dahil siyaʼy ipinahiya niya.

15Kung may isang lalaki na dalawa ang asawa, at mahal niya ang isa at ang isa ay hindi, ngunit pareho silang may anak sa kanya, at ang panganay na lalaki ay anak ng asawa niyang hindi niya mahal,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.