12dadalhin niya ang babae sa kanyang bahay at kakalbuhin ang ulo, puputulin ang mga kuko,
13at papalitan ang suot niyang damit nang siyaʼy bihagin. Dapat magpaiwan ang babae sa bahay ng lalaki sa loob ng isang buwan habang siyaʼy nagluluksa para sa kanyang mga magulang. Pagkatapos nito, maaari na siyang maging asawa ng lalaki.
14Ngunit kung sa bandang huli ay mawalan ng gana ang lalaki sa babae, dapat niya itong payagang pumunta saan man gustuhin ng babae. Hindi na siya dapat pang ipagbili o gawing alipin dahil siyaʼy ipinahiya niya.
15Kung may isang lalaki na dalawa ang asawa, at mahal niya ang isa at ang isa ay hindi, ngunit pareho silang may anak sa kanya, at ang panganay na lalaki ay anak ng asawa niyang hindi niya mahal,
16kapag hahatiin na niya ang kanyang ari-arian, kailangang ang parte na para sa panganay na anak ay hindi dapat ibigay sa anak ng asawa niyang minamahal. Dapat niya itong ibigay sa panganay kahit na hindi niya mahal ang ina nito.