16kapag hahatiin na niya ang kanyang ari-arian, kailangang ang parte na para sa panganay na anak ay hindi dapat ibigay sa anak ng asawa niyang minamahal. Dapat niya itong ibigay sa panganay kahit na hindi niya mahal ang ina nito.
17Kailangan niyang kilalanin bilang panganay ang anak ng asawa niyang hindi minamahal. Ibibigay niya sa kanya nang doble ang bahagi ng ari-arian niya dahil siya ang naunang anak at may karapatan siyang tumanggap ng kanyang bahagi bilang panganay na anak.
18Kung ang isang tao ay may anak na lalaki na matigas ang ulo at suwail na ayaw makinig sa kanyang mga magulang kapag siyaʼy dinidisiplina,
19dadalhin siya ng kanyang mga magulang sa mga tagapamahala doon sa pintuan ng bayan.
20Sasabihin nila sa mga tagapamahala, “Matigas ang ulo nitong anak namin at rebelde siya; hindi siya sumusunod sa amin. Gastador siya at lasenggo.”