Deuteronomio 21

Kailangan niyang kilalanin bilang panganay ang anak ng asawa niyang hindi minamahal. Ibibigay niya sa kanya nang doble ang bahagi ng ari-arian niya dahil siya ang naunang anak at may karapatan siyang tumanggap ng kanyang bahagi bilang panganay na anak.

Deuteronomy 21:17 (UKJV) But he shall acknowledge the son of the hated for the firstborn, by giving him a double portion of all that he has: for he is the beginning of his strength; the right of the firstborn is his.

15Kung may isang lalaki na dalawa ang asawa, at mahal niya ang isa at ang isa ay hindi, ngunit pareho silang may anak sa kanya, at ang panganay na lalaki ay anak ng asawa niyang hindi niya mahal,

16kapag hahatiin na niya ang kanyang ari-arian, kailangang ang parte na para sa panganay na anak ay hindi dapat ibigay sa anak ng asawa niyang minamahal. Dapat niya itong ibigay sa panganay kahit na hindi niya mahal ang ina nito.

17Kailangan niyang kilalanin bilang panganay ang anak ng asawa niyang hindi minamahal. Ibibigay niya sa kanya nang doble ang bahagi ng ari-arian niya dahil siya ang naunang anak at may karapatan siyang tumanggap ng kanyang bahagi bilang panganay na anak.

18Kung ang isang tao ay may anak na lalaki na matigas ang ulo at suwail na ayaw makinig sa kanyang mga magulang kapag siyaʼy dinidisiplina,

19dadalhin siya ng kanyang mga magulang sa mga tagapamahala doon sa pintuan ng bayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.