Deuteronomio 21

Kung ang isang tao ay pinarusahan ng kamatayan dahil sa isang krimeng ginawa niya, at ibinitin ang bangkay niya sa puno,

Deuteronomy 21:22 (UKJV) And if a man have committed a sin worthy of death, and he be to be put to death, and you hang him on a tree:

20Sasabihin nila sa mga tagapamahala, “Matigas ang ulo nitong anak namin at rebelde siya; hindi siya sumusunod sa amin. Gastador siya at lasenggo.”

21Pagkatapos, dapat siyang batuhin ng lahat ng naninirahan sa bayan hanggang sa mamatay siya. Marinig ito ng lahat ng Israelita at matatakot sila. Sa pamamagitan nito, mawawala ang masasamang gawa sa inyong bansa.

22Kung ang isang tao ay pinarusahan ng kamatayan dahil sa isang krimeng ginawa niya, at ibinitin ang bangkay niya sa puno,

23hindi dapat umabot hanggang umaga ang bangkay niya doon. Dapat ninyo itong ilibing sa araw ding iyon, dahil ang sinumang ibinitin sa puno ay isinumpa ng Diyos. Kung hindi ninyo ito ililibing sa araw ding iyon, madudungisan nito ang lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos bilang mana ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.