Deuteronomio 21

Pagkatapos, kukuha ang mga tagapamahala ng bayang iyon ng dumalagang baka na hindi pa nakakapagtrabaho ni nakasuot ng pamatok.

Deuteronomy 21:3 (UKJV) And it shall be, that the city which is next unto the slain man, even the elders of that city shall take an heifer, which has not been wrought with, and which has not drawn in the yoke;

1Kapag naroon na kayo sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos na aangkinin ninyo, at may nakita kayong bangkay ng tao at hindi ninyo alam kung sino ang pumatay dito,

2dapat sukatin ng mga tagapamahala sa inyo kung aling bayan sa palibot ang pinakamalapit kung saan natagpuan ang bangkay.

3Pagkatapos, kukuha ang mga tagapamahala ng bayang iyon ng dumalagang baka na hindi pa nakakapagtrabaho ni nakasuot ng pamatok.

4Dadalhin nila ito sa lambak na palaging dinadaluyan ng tubig, na ang lupa doon ay hindi pa naaararo o natataniman. At doon nila babaliin ang leeg ng dumalagang baka.

5Dapat ding pumunta roon ang mga pari na mula sa lahi ni Levi, dahil pinili sila ng Panginoon na inyong Diyos na maglingkod at magbigay ng basbas sa pangalan ng Panginoon, at magpasya sa lahat ng alitan at pananakit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.