Deuteronomio 21

Dapat ding pumunta roon ang mga pari na mula sa lahi ni Levi, dahil pinili sila ng Panginoon na inyong Diyos na maglingkod at magbigay ng basbas sa pangalan ng Panginoon, at magpasya sa lahat ng alitan at pananakit.

Deuteronomy 21:5 (UKJV) And the priests the sons of Levi shall come near; for them the LORD your God has chosen to minister unto him, and to bless in the name of the LORD; and by their word shall every controversy and every stroke be tried:

3Pagkatapos, kukuha ang mga tagapamahala ng bayang iyon ng dumalagang baka na hindi pa nakakapagtrabaho ni nakasuot ng pamatok.

4Dadalhin nila ito sa lambak na palaging dinadaluyan ng tubig, na ang lupa doon ay hindi pa naaararo o natataniman. At doon nila babaliin ang leeg ng dumalagang baka.

5Dapat ding pumunta roon ang mga pari na mula sa lahi ni Levi, dahil pinili sila ng Panginoon na inyong Diyos na maglingkod at magbigay ng basbas sa pangalan ng Panginoon, at magpasya sa lahat ng alitan at pananakit.

6Pagkatapos, ang lahat ng tagapamahala ng bayan sa pinakamalapit na lugar kung saan nakita ang bangkay ay maghuhugas ng kamay sa ibabaw ng dumalagang baka na binali ang leeg sa lambak.

7At sasabihin nila, “Hindi kami ang pumatay at hindi rin namin nakita kung sino ang pumatay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.