Deuteronomio 23

Kailangang may panghukay ang bawat isa sa inyo, para huhukay kayo kapag nadudumi kayo, at tatabunan ninyo ito pagkatapos.

Deuteronomy 23:13 (UKJV) And you shall have a paddle upon your weapon; and it shall be, when you will ease yourself abroad, you shall dig therewith, and shall turn back and cover that which comes from you:

11Pagdating ng hapon, maliligo siya, at paglubog ng araw, maaari na siyang makabalik sa kampo.

12Pumili kayo ng lugar sa labas ng kampo na gagawin ninyong palikuran.

13Kailangang may panghukay ang bawat isa sa inyo, para huhukay kayo kapag nadudumi kayo, at tatabunan ninyo ito pagkatapos.

14Sapagkat ang Panginoon na inyong Diyos ay naglilibot sa inyong kampo para iligtas kayo at ibigay sa inyo ang inyong mga kaaway. Kaya kailangang banal ang inyong kampo, upang wala siyang makitang malaswa sa inyo at talikuran niya kayo.

15Kung tumakas ang isang alipin sa kanyang amo at tumakbo sa inyo, huwag ninyo siyang piliting bumalik sa kanyang amo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.