Deuteronomio 23

Sapagkat ang Panginoon na inyong Diyos ay naglilibot sa inyong kampo para iligtas kayo at ibigay sa inyo ang inyong mga kaaway. Kaya kailangang banal ang inyong kampo, upang wala siyang makitang malaswa sa inyo at talikuran niya kayo.

Deuteronomy 23:14 (UKJV) For the LORD your God walks in the midst of your camp, to deliver you, and to give up yours enemies before you; therefore shall your camp be holy: that he see no unclean thing in you, and turn away from you.

12Pumili kayo ng lugar sa labas ng kampo na gagawin ninyong palikuran.

13Kailangang may panghukay ang bawat isa sa inyo, para huhukay kayo kapag nadudumi kayo, at tatabunan ninyo ito pagkatapos.

14Sapagkat ang Panginoon na inyong Diyos ay naglilibot sa inyong kampo para iligtas kayo at ibigay sa inyo ang inyong mga kaaway. Kaya kailangang banal ang inyong kampo, upang wala siyang makitang malaswa sa inyo at talikuran niya kayo.

15Kung tumakas ang isang alipin sa kanyang amo at tumakbo sa inyo, huwag ninyo siyang piliting bumalik sa kanyang amo.

16Patirahin ninyo siya sa inyong lugar, kahit saang bayan niya gusto. Huwag ninyo siyang aapihin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.