Deuteronomio 24

Kung mamimitas kayo ng olibo, huwag na ninyong babalikan ang mga naiwan. Itira na lang ninyo ito sa mga dayuhan, sa mga ulila at sa mga biyuda.

Deuteronomy 24:20 (UKJV) When you beat yours olive tree, you shall not go over the boughs again: it shall be for the stranger, for the fatherless, and for the widow.

18Alalahanin ninyong alipin kayo noon sa Ehipto at iniligtas kayo ng Panginoon na inyong Diyos. Ito ang dahilan kung bakit inuutusan ko kayong gawin ito.

19Kapag nag-aani kayo at may naiwang bigkis sa bukid, huwag na ninyo itong babalikan para kunin. Iwan na lang ninyo ito para sa mga dayuhan, sa mga ulila at sa mga biyuda, para pagpalain kayo ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng inyong ginagawa.

20Kung mamimitas kayo ng olibo, huwag na ninyong babalikan ang mga naiwan. Itira na lang ninyo ito sa mga dayuhan, sa mga ulila at sa mga biyuda.

21Kung aani kayo ng ubas, huwag na ninyong babalikan ang mga naiwan. Itira nʼyo na lang ito sa mga dayuhan, sa mga ulila at sa mga biyuda.

22Alalahanin ninyo na mga alipin kayo noon sa Ehipto. Ito ang dahilan kung bakit inuutusan ko kayong gawin ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.