16Hindi dapat patayin ang magulang dahil sa kasalanan ng kanilang mga anak, o ang mga anak dahil sa kasalanan ng kanilang magulang; papatayin lamang ang tao dahil sa sarili niyang kasalanan.
17Bigyan ninyo ng hustisya ang mga dayuhan at ang mga ulila. Huwag ninyong kukunin ang balabal ng biyuda bilang sanla sa kanyang utang.
18Alalahanin ninyong alipin kayo noon sa Ehipto at iniligtas kayo ng Panginoon na inyong Diyos. Ito ang dahilan kung bakit inuutusan ko kayong gawin ito.
19Kapag nag-aani kayo at may naiwang bigkis sa bukid, huwag na ninyo itong babalikan para kunin. Iwan na lang ninyo ito para sa mga dayuhan, sa mga ulila at sa mga biyuda, para pagpalain kayo ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng inyong ginagawa.
20Kung mamimitas kayo ng olibo, huwag na ninyong babalikan ang mga naiwan. Itira na lang ninyo ito sa mga dayuhan, sa mga ulila at sa mga biyuda.