14Huwag ninyong dadayain ang mahihirap na trabahador sa kanilang upa, Israelita man siya o dayuhan na naninirahan sa inyong bayan.
15Bayaran ninyo siya ng isang araw na suweldo bago lumubog ang araw dahil mahirap siya at inaasahan niyang matanggap ito. Sapagkat kung hindi, baka dumaing siya sa Panginoon laban sa inyo at itoʼy ituturing na kasalanan ninyo.
16Hindi dapat patayin ang magulang dahil sa kasalanan ng kanilang mga anak, o ang mga anak dahil sa kasalanan ng kanilang magulang; papatayin lamang ang tao dahil sa sarili niyang kasalanan.
17Bigyan ninyo ng hustisya ang mga dayuhan at ang mga ulila. Huwag ninyong kukunin ang balabal ng biyuda bilang sanla sa kanyang utang.
18Alalahanin ninyong alipin kayo noon sa Ehipto at iniligtas kayo ng Panginoon na inyong Diyos. Ito ang dahilan kung bakit inuutusan ko kayong gawin ito.