Deuteronomio 25

Gumamit kayo ng tamang timbangan at takalan, upang mabuhay kayo nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos.

Deuteronomy 25:15 (UKJV) But you shall have a perfect and just weight, a perfect and just measure shall you have: that your days may be lengthened in the land which the LORD your God gives you.

13Huwag kayong gagamit ng dalawang magkaibang timbangan – isang mabigat at isang magaan – para makapandaya.

14Huwag kayong gagamit ng dalawang magkaibang pantakal – isang malaki at isang maliit.

15Gumamit kayo ng tamang timbangan at takalan, upang mabuhay kayo nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos.

16Sapagkat kasuklam-suklam sa Panginoon na inyong Diyos ang sinumang gumagawa ng ganitong mga bagay, ang mga mandaraya.

17Alalahanin ninyo ang ginawa ng mga Amalekita sa inyo nang lumabas kayo sa Ehipto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.