14Huwag kayong gagamit ng dalawang magkaibang pantakal – isang malaki at isang maliit.
15Gumamit kayo ng tamang timbangan at takalan, upang mabuhay kayo nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos.
16Sapagkat kasuklam-suklam sa Panginoon na inyong Diyos ang sinumang gumagawa ng ganitong mga bagay, ang mga mandaraya.
17Alalahanin ninyo ang ginawa ng mga Amalekita sa inyo nang lumabas kayo sa Ehipto.
18Sinalakay nila kayo noong pagod na pagod na kayo, at pinagpapatay nila ang inyong mga kasama na nasa hulihan. Wala silang takot sa Diyos.