Deuteronomio 27

Kaya sundin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos at tuparin ang lahat ng utos at tuntunin niyang ibinibigay ko sa inyo ngayon.”

Deuteronomy 27:10 (UKJV) You shall therefore obey the voice of the LORD your God, and do his commandments and his statutes, which I command you this day.

8At isulat ninyo nang malinaw ang mga kautusan ng Diyos sa mga batong pinahiran ninyo ng apog.”

9Sinabi pa ni Moises at ng mga pari na mga Levita sa lahat ng Israelita, “Makinig kayo, mga mamamayan ng Israel! Sa araw na ito, naging mamamayan na kayo ng Panginoon na inyong Diyos.

10Kaya sundin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos at tuparin ang lahat ng utos at tuntunin niyang ibinibigay ko sa inyo ngayon.”

11Nang araw na iyon, iniutos ni Moises sa mga tao:

12Kapag nakatawid na kayo sa Jordan, ito ang mga angkan na tatayo sa Bundok ng Gerizim para basbasan ang mga tao: ang lahi nina Simeon, Levi, Juda, Isacar, Jose at Benjamin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.