9Sinabi pa ni Moises at ng mga pari na mga Levita sa lahat ng Israelita, “Makinig kayo, mga mamamayan ng Israel! Sa araw na ito, naging mamamayan na kayo ng Panginoon na inyong Diyos.
10Kaya sundin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos at tuparin ang lahat ng utos at tuntunin niyang ibinibigay ko sa inyo ngayon.”
11Nang araw na iyon, iniutos ni Moises sa mga tao:
12Kapag nakatawid na kayo sa Jordan, ito ang mga angkan na tatayo sa Bundok ng Gerizim para basbasan ang mga tao: ang lahi nina Simeon, Levi, Juda, Isacar, Jose at Benjamin.
13At ito ang mga lahing tatayo sa Bundok ng Ebal para sumpain ang mga tao: ang lahi nina Ruben, Gad, Asher, Zebulun, Dan at Neftali.