Deuteronomio 27

At ito ang mga lahing tatayo sa Bundok ng Ebal para sumpain ang mga tao: ang lahi nina Ruben, Gad, Asher, Zebulun, Dan at Neftali.

Deuteronomy 27:13 (UKJV) And these shall stand upon mount Ebal to curse; Reuben, Gad, and Asher, and Zebulun, Dan, and Naphtali.

11Nang araw na iyon, iniutos ni Moises sa mga tao:

12Kapag nakatawid na kayo sa Jordan, ito ang mga angkan na tatayo sa Bundok ng Gerizim para basbasan ang mga tao: ang lahi nina Simeon, Levi, Juda, Isacar, Jose at Benjamin.

13At ito ang mga lahing tatayo sa Bundok ng Ebal para sumpain ang mga tao: ang lahi nina Ruben, Gad, Asher, Zebulun, Dan at Neftali.

14Ang mga Levita naman ay sisigaw nang malakas sa bansang Israel:

15“Sumpain ang taong gagawa ng anumang mga diyos-diyosan na gawa sa bato o tanso at sasambahin ito kahit palihim. Sapagkat kinasusuklaman ng Panginoon ang diyos-diyosang ginawa ng tao.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.