Deuteronomio 27

“Sumpain ang taong gagawa ng anumang mga diyos-diyosan na gawa sa bato o tanso at sasambahin ito kahit palihim. Sapagkat kinasusuklaman ng Panginoon ang diyos-diyosang ginawa ng tao.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!”

Deuteronomy 27:15 (UKJV) Cursed be the man that makes any graven or molten image, an abomination unto the LORD, the work of the hands of the craftsman, and puts it in a secret place. And all the people shall answer and say, Amen.

13At ito ang mga lahing tatayo sa Bundok ng Ebal para sumpain ang mga tao: ang lahi nina Ruben, Gad, Asher, Zebulun, Dan at Neftali.

14Ang mga Levita naman ay sisigaw nang malakas sa bansang Israel:

15“Sumpain ang taong gagawa ng anumang mga diyos-diyosan na gawa sa bato o tanso at sasambahin ito kahit palihim. Sapagkat kinasusuklaman ng Panginoon ang diyos-diyosang ginawa ng tao.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!”

16“Sumpain ang taong hindi gumagalang sa kanyang magulang.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!”

17“Sumpain ang taong nagnakaw ng lupain ng kanyang kapwa sa pamamagitan ng paglilipat ng muhon ng lupain nito.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.